Warning: Walang masyadong picture ang post na ‘to.
Ang hirap, sobrang hirap, maging heartthrob maging nurse. Hindi ako nagrereklamo (slight lang). At lalong hindi ako sumusuko, dahil sayang ang pinuhunan sa’kin ng parents ko. Imagine kung bibilangin ko pala lahat ng nagastos nila sa’kin nung college pa ‘ko, kasama pati allowance ko, lahat-lahat yun, aba, baka may bagong kotse na ko, or maliit na house and lot. Wala lang. Na-share ko lang.
At dahil wala ako maisip na topic ngayon, try ko nalang magkwento kung pano maging isang heartthrob nurse.
Sa second floor ng hospital ako naka-assign. Yung second floor hinati sya sa maraming area: operating room, recovery room, delivery room, intensive care unit, neonatal intensive care unit, dialysis department, central supply room, suite room (para sa mga susyal), Annex 2, Floor 2A tsaka Floor 2B. Dun ako sa Floor 2A, na katapat ng ICU tsaka dialysis. Parang ganito lang:
At tulad ng ibang hospital, ang floor 2A ay meron ding resident multong nurse na mahilig magparamdam dito:
Lahat ng patient na muntik na ma-dedz pero naka-recover ng konti from ICU, sa area ko dinadala. Same thing with dialysis, although puro out patient yung mga cases dun, once may nag-cardiac arrest sa dialysis, dinadala muna sa ICU then kapag nabuhay ng konti, sa floor 2A ulit dinadala. Kapag minalas naman at hindi naka-recover, alam nyo na kung san ang bagsak nila. Yup, ganun ka-morbid. Sanayan lang yan eh. At sanay na ko sa mga ganyan. Mga umiiyak na relatives dahil hindi naka-recover yung patient, mga patient na naka-wrap from head to toe sakay ng stretcher papuntang morgue, it’s all in a day’s work.
Isipin nyo nalang kung puno yung area namin, tapos tatlo lang kaming nurse on duty. Ang saya diba? Diskarte na lang sa division of labor: oral meds, intravenous meds, vital signs, osteorized feeding, suctioning of secretions, patient’s chart, mga patients for referral at madami pang iba. May kanya-kanyang demands kasi bawat pasyente, tapos may mga sobrang demanding pa na mga relatives na tatawagin ka habang sarap na sarap ka sa pag-nguya ng dinner para sabihing: “Nurse, na-t*e yung pasyente ko, kailangan palitan ng diaper”
At dahil sanay nga ako sa ganung situation, hihinto muna ko sa pagkain, pupunta sa room ng patient sabay sabing: “Tuturuan ko po kayo kung pano, para alam nyo na gagawin nyo pag-uwi sa bahay, kasi kayo din po gagawa nyan sa bahay eh” (haha palusot!) Sabay balik sa pagkain ng dinner pagkatapos ng perineal care.
Minsan naman habang kumakain ulit ng dinner, may relative na lalapit (in panic mode) with matching dialogue na: “Nurse! Nurse! Patay na! Patay na!”
Takbo agad kami papuntang room ng pasyente. Patay na nga.. Ang TV.. bitin pala sa telenovela si lola.
Again, hindi po ako nagrereklamo (slight lang talaga). Alam ko naman na part yan ng job description ko. Sabi nga dito:
Ang sarap kaya magtrabaho lalo na kung may mga pasyenteng laging nagbibigay ng pangkabuhayan showcase. Parang ganito:
Eto pa:
Note: Patient from room 203 died 4 hours later after giving us those delectable cupcakes.










at least bago siya namatay nabiyayaan ka. baka type ka ng mumu sa 2nd floor kasi nga ikaw ang heartthrob na nurse. kapagod pala na maging nurse boss jerick. sa ospital na pinagtatrabauhan ko naglipana ang mga nurses all over the earth, palagay ko kapag nagpunta ka dito kikita tayo sa pagiging heartthrob mo sir.
at bakit 3 nurse lang kayo?
at sa lugar na yan pala napagsasamantalahan ang pagiging pogi mo lols…
bilib ako sa mga nurse sir, kaya bilib din ako sa iyo.
blessed 2011 po!
yung pinangako mong picgreet inaabangan ko pa rin sa email ko =)
yes boss, send ko bukas.
ginoong jerick tama kasama sa sinumpaang tungkulin ang umagapay sa mga pasyente, matrabaho eh (ginusto mo yan eh, ehehe) pero diba pagmay mga pasyenteng nakakaappreciate ng ginagawa mo fulfilling? wag ka lang magsawa at mapagod dahil iba ang pakiramdam pag-ung malapit naman sa iyo ang nasa kalagayan nila kaya dapat always be nice. ehehe,
ps. nang-aaway ako ng nurse na suplado/suplada.. (tinatanong mo? gusto ko lang malaman mo) ahahaha.. HAPPY NEW YEAR!
tinatanong ko? haha happy new year din!
takot ako sa injection. gah! matindi ang trauma ko nung bata pa ako. takot din ako makakita ng dugo na umaagos mula sa isang sugat na mas malaki pa sa hinlalaki ko.. wahhh!
wala lang. nisheyr ko lang. honga, baka type ka nung mumu.. di makagetover sa pagiging heartthrob errr… heartrob.. errr. heart-throb? ah basta! yun na yun. hahaha.
haha..huwelcum dito..
Grabe naman talagang hirap maging nurse. Naikwento rin ng kapatid ko ang mga experiences nya at talagang hirap, pero kasi kung talagang passion m0 ang work m0 ay kahit an0ng hirap at pressure ay kaya m0ng lampasan. Nalungkot ako sa namatay na pasyente pagkatap0s magbigay. Hapi new year sayo!
yung nurse na multo. nasa kisame. naglalakad. watch 0:32-0:45 (parang youtube)
tatlo lang kayong duty sa lugar/station? edi pumasok ka din ng holidays?
kaya minsan ayoko din sinasama ko sa ospital nila mommy pag magpapacheck up, ayoko yung may mga nag iiyakan tapos may mga agaw buhay. nakakalungkot.
penge nung mga kabibeng chocolate
Yup tatlo lang kami, minsan four, maximum of five.
Ansarap nung kabibeng chocolate pramis! (inosente mode)
hinanap ko talaga yung kabibeng chocolate nabigyan lang ng emphasis dahil sa comments niyo hahaha
Happy New Year!
muntik ko na ubusin yung kabibeng chocolate, nahiya lang ako sa mga kasama ko.
@ Jeric..!
happy new year..!
happy new year! cash nlng po yung gift pwede? hehe
HAPPY NEW YEAR!!!
Yngat palagi =)) im back!
welcome back!
Hahaha baka sinusundan ka ng mumu sa 2nd flr kuya
)
Happy New Year!
haha.. dun sya nktira.
happy new year…sweet ng mga patients mo tol…Mabuhay ang mga na Pinoy nurses! =)
naman! hehe thanks for dropping by.
ay naku sinabi mo pa,nung una kong namatayan, naiyak talaga ko pero nung mga sumunod, normal na lang. penge chocolates!!!
ang cute ng mga kabibeng chocolates noh? ang sarap i-display. haha.. last night ganyan ulit yung binigay nila (one month na sila sa hospital)
dapat kasi namimigay ng kabibeng chocolates. Sana makalabas na sila ng ospital hahahaha.
Mapagpalang 2011 bossing!
update na ng blog, anung pecha na. haha
wala ka pa bang na experience na pinamanahan ka ng bahay at lupa? or kahit anung matindi tinding pamana mula sa pasyenteng mamamatay?
bat mo naman ni blurred yung pic ni miss nurse? hahaha!!!
wla pa, pero magandang idea yan. try ko mgppirma ng last will and testament next time (attorney?)
shy type kc si miss nurse, pero cute sya sa personal. hehe
sana talagang may “we care”. marami na akong experience sa mga nurse, lalo na kung nasa public hospitals sila, meron jan mas mataray pa sa mga doktor o kahit man lang sa naka graduate na. meron jang kung hindi pa ikaw ang magaapproach, hindi ka din papasinin lalo na kung hindi ka mukang naghihingalo, at meron din naman nakuha pang mag mp3 habang naggugupit ng gasa at d iniintindi ang pasyenteng nakagat ng aso dahil within 24hrs naman daw bago ikamatay ang rabis. pinagbibigyan ko na nga sila na pagpraktisan ang braso ko pag tinuturukan ako, sila pa tung galit pag nasasaktan ako . un lang. haha
nurse ka nuh ? im sick. :p
haha.. ang haba ng reklamo. tara sa presinto.
anong sakit mo? try natin lunasan yan. haha
kulang pa nga yan baka kasi sabihin mu inaapi ko propesyon mo . haha
ikaw nga lang ang tanging lunas ko. haha lol!
magpakabait kang nurse ha
nakakalungkot naman yung huli. padalaw lang po ha…
thanks for dropping by, boss berl.
walang anuman… salamat din sa pagdalaw. add na kita sa blog roll ko ha. paadd din po… thanks
taaaammmaaa! investment talaga ang nursing.. kaso gang ngayon wala pa yung kapalit ng investment na yun.. bankcrupt ata ang nursing profession sa ngayon. haha!
sinabi mo pa. haha
so sa’yo na lang ang mga chocolates na hugis shells?? hahah.
mamigay ka naman jerick. hahah. at last, nagka-post ka rin tungkol sa pagiging nurse mo. heheh. halata bang nagbabackread ako? hahah
aba talagang umabot ka pa dito sa pag-backread ah. haha